Sino nga ba namang mag-aakalang ilang araw bago ang ika dalawampu’t dalawang taon ng aking buhay sa mundong ito…. ay darating SIYA.
SIYA na alas sais pa lang ng umaga ay gising na at babatiin na ako ng kanyang mga tingin bago ako pumasok.
SIYA na sa matiyagang naghihintay sa aking pagdating galing trabaho, kahit gaano man kagabi ako umuwi.
SIYA na humamon ng suntukan sa kaibigan kong lalake,dahil nakita nya kaming magkasamang umuwi. (seloso much!)
SIYA na nag-iiwan ng pandesal sa umaga sa labas ng bahay namin para masigurong kakain ako ng almusal.
. . . . . . . . . . . . . .
SIYA NA LAGING NAKATAMBAY SA WAITING SHED SA TAPAT NG BAHAY NAMIN.
Nakilala ko sya ilang buwan na ang nakakaraan. Araw araw ay nakikita ko siyang nakatayo,nakaupo,naglalakad sa labas ng bahay namin. Sabi ng Mama ko, baka “informer” daw ng mga pulis. Naisip ko naman, kung informer sya, bakit sa labas namin sya nagbabantay? Muka ba kaming kriminal? =) Hindi mo naman sya mapapagkamalang taong-grasa. Kahit papaano naman,eh,nagpapalit ng damit. Ni minsan hindi ko pa siya narinig magsalita. Tuwing umaga ay nakikita ko sya sa waiting shed, habang nilalabas ko ang motor ay nakatingin sya sa akin,at hanggang sa makaalis ako, ay hindi nya inaalis ang kanyang tingin. Sa pag-uwi ko sa hapon,o minsan kahit gabi na, nakatayo lang sya sa kanto, at kapag naisara ko na ang gate namin, umaalis na sya. Isang araw ng umuwi ako kasama ang isang kaibigang lalake, nalaman kong sinundan nya ito hanggang palengke, at sumisigaw, naghahamon ng suntukan. Isang gabi nang papunta akong bus terminal, habang naglalakad sa may plaza, bigla na lang syang sumulpot (madilim kasi kaya hindi ko sya agad nakita). Yun ang unang beses na kinausap nya ako. Unang beses na nadinig ko ang kanyang tinig. Pasigaw, na parang nagmamakaawa, “Saan ka pupunta? Gabi na, umuwi ka na. Saan ka ba matutulog? Umuwi ka na sa atin. Uy.” Sa sobrang takot ay nagtatakbo ako patawid ng highway diretso sakay ng bus. Mabuti na lang At may tao sa pintuan ng bus, kaya hindi sya nakapasok. Ngunit patuloy pa din syang sumisigaw sa labas ng bus, at pilit akong pinapauwi.
. . . . . . . . . . . . . . .
SIYA ngayon ang dahilan ng lahat.
. . . .kung bakit hindi ako makabili mag-isa ng pandesal sa umaga
. . .kung bakit kailangang sumilip muna ako sa labas bago ako lumabas, at kapag nakita kong andun sya ay hindi na ako lalabas
. . .kung bakit sumasakay ako ng tricycle kahit sa Jollibee lang ang punta ko
. . .kung bakit umiikot pa ako ng 7-11 pauwi kahit sa Chowking ako galing
. . .kung bakit nagmamadali akong pumasok pag magtatapon amo ng basura
. . . . . . . . . . . . . . .
Nabalitaan ko na iniwan pala sya ng kanyang asawa. Dahilan kung bakit nawala sya sa kanyang matinong pag-iisip. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Hindi ko alam kung anong kwento. Siguro nung gabing yun, inakala nyang ako yung asawa nya, sa aktong iiwan na sya. Nang malaman ko yun, naawa naman ako. Pero hindi ko pa rin maiwasang matakot.
May sarili syang kwento. Alam ko.

No comments:
Post a Comment